Mga Kulturang Popular
sa Ating Panahon
Ito ang
aking mga nakalap na impormasyon at kaalaman tungkol sa mga kulturang popular
na ginagawa ng tao sa pang araw-araw,o pang taon-taon sa buhay. Bagamat ito ay
nakakabuti meron din namang mangilan-ngilang hindi mabuting epekto nito sa
buhay ng bawat tao. May kasabihan nga tayo na “ pag labis na ang isang bagay ay
nakakasama ito”. Ito ang sampung mga halimbawa sa pang araw-araw na kadalasang
ginagawa ng tao. Kadalasan sa mga bagay na ito ay sariling opinyon lamang at
hindi dumaan sa masusing pagsusuri o ano paman.
Pagtatrabaho – ang pagtatrabaho ay ginagawa na ng
mga tao kahit pa noong unang panahon ng nilikha tayo ng Panginoon at nagkasala ayon sa Bibliya.
Kinakailangang magtrabaho ang tao upang mabuhay kaya sa araw-arw tayo ay
nagtatrabaho. Nakakatulong ito upang makamit ang mga pangarap at makamtan ang
mga bagay na minimithi. Ang pagtatrabaho ay tanda ng pagka buhay sapagkat
habang tau ay nabubuhay ay kailangan nating magtrabaho. Ngunit hindi natin maipagkakaila na sa sobrang trabaho ay
unti-unti na palang may masamang epekto ito sa atin at sa mga bagay na
nakapaligid sa atin, sa labis na pagtatrabao ay minsan napabayaan na ang
sariling kalusugan kadalasan sa labis na pagtatrabaho ay nagkakasakit tayo ng over fatigue at iba pa, minsan din ay napapabayaan ang
pamilya sapagkat sa labis na pagtatrabaho ay wala kanang oras para sa kanila.
Kaya kailangang balanse ang lahat ng iyong oras para sabay sa pagkamit sa mga
mithi ay hindi napapabayaan ang mga bagay na mahalaga sa iyo.
Pag-aaral – ang pag-aaral ay tanda ng katalinuhan
ika nga na “kung gusto mong maging matalino ay gawin mo ang ginagawa ng mga
matatalino”. Ang pag-aaral ay kailangan ng tao sa buhay ito ay upang mapalawak
ang pag-uunawa at kaalaman sa mga bagay-bagay sa syang gabay mo sa pang
araw-araw na pamumuhay. Maraming tao ang nais makamit ang panibagong kaalaman
sa ara-araw kaya marami ang nag-aaral, ngunit sa kabilang banda naman sa
sobrang pag-aaral ay napapabayaan na ang
sarili, mas inu-una pa ang pag-aaral kaysa sa mga bagay na dapat gawin,
halimbawa ay ang hndi na makakain at makatulog
sa tamang oras, na syang sanhi ng pagkakasakit.
Pagsa-shopping o Pamimili - ang pagsashopping ay kadalasang ginagawa ng tao upang maglibang
at bumili ng mga bagay na kailangan upang mabigyan ang sarili ng kakontentuhan
sa mga bagay-bagay. Kadalasan ito rin ang tanda ng pagka galante sapagkat ito
ay isang libangan na kung saan ay kailangan mong gumastos, Sa gawaing ito at
hindi mo lang nabibigyang katuparan ang iyong mga material na mithi kundi
nakakalibang din itong gawin, subalit ito rin ay hindi maganda kapag labis na
ang iyong pamimili dahil kung wala kang pigil ay hindi mo ma buget ng husto ang
pera mo’t hahantong ka sa pangungutang na kung saan ay hindi maganda.
Pagpasyal sa Magagandang Lugar – ang pamamasyal sa magagandang ang siyang laging ginagawa ng mga tao at kadalasan nilang ginagawa ito may mga okasyon man o wala, kadalasan kada katapusan ng linggo o bakasyon ang mga tao ay namamasyal sa magagandang lugar tulad ng mga resort o ano paman. Ito ay simbulo ng pagmamahal sa sarili dahil nililibang mo ito pagkatapos ng mahaba-habang trabaho o pag-aaral man, ang hindi lang mabuti ay kung puro ka nalang pasyal at wala nang trabahong ginagawa.
.
Pagsisimba – ang pagsisimba ay tanda ng pagka
maka Diyos sapagkat dito ay sinasamba mo ang Panginoon at nagpapasalamat ka sa
mga bagay na kung anong meron at humihiling sa mga bagay na wala pa, na syang
tanda na meron kang kinikilalang Dyos na may ari ng lahat. Ito rin ay ang
gawaing nakasanayan na mula pa noong unang panahon na kung saan ay pinakilala
sa atin ng mga kastila ang isang relihiyon na may Diyos na kinikilala.
Pagdiriwang ng kaarawan – taon-taon ay nakasanayan na natin na
magdiwang ng kaarawan, ito ay tanda ng pasasalamat sa bago nanamang taon sa
ating buhay na nadaragdag at ito ay pag gunita sa araw ng kapanganakan. Ngunit
sa kabilang banda ay maraming tao ang pilit na nagdiriwang ng ingrandeng kaarawan kahit kapos kaya ito ay humahantong
sa hindi magandang resulta na kung saan ay nabaon sa utang at wala na halos
makain sa susunod na mga araw.
Pagdiriwang ng Kapyestahan – tulad ng kaarawan ay nakasanayan na
rin ng nakararami ang pagdiriwang ng pyesta na kung saan ay nagtitipun-tipon
ang mga tao upang magsaya,kumain at kung ano-ano pa. Ito rin ay tanda ng pagka
relihiyoso sapagkat ito ay isa sa pagdiriwang ng araw ng isang santo. Ngunit sa
kabilang banda tulad ng kaarawan ay maraming ding tao ang pilit na nagdiriwang
ng ingrandeng kapyestahankahit kapos kaya
ito ay humahantong sa hindi magandang resulta na kung saan ay nabaon sa utang
at wala na halos makain sa susunod na mga araw at mga buwan.
Panunuod ng konsyerto – ang panunuod ng konsyerto ay tanda
ng pagkahilig sa musika, ditto ay naipapakita natin an gating suporta sa mga
artistang may gawa ng mga paburito nating mga kanta, at dito rin ay nabibigyang
aliw natin ang ating sarili na kung saan ay nakabubuti ito sapagkat nagdudulot
ito ng saya. Ngunit ito rin ay hindi maganda kung ang pinapanood at pinakikinggan
ay may kalaswaan na’t nkakadulot ng masamang epekto sa ating sarili.
credit to the owner of this photo
Paglilinis ng boong bahay at bakuran
– ang gawaing ito ay
tanda ng pagiging mkamalinis na tao, sa halip na manood ng konsyerto,mag
shopping, manood ng sene at kung ano ano pang libangan ang gagawin ay may mga
tao talagang mas nalilibang na gawin ang paglilinis ng bahay at harden na sya naming
nakaugalian na natin simula pa noon, ito nga naman ay mabuti ngunit pag
napasobra na ay napipigilan mo na ang iyong sarili na makihalubilo sa mundo dahil
nasa bahay ka lang araw-araw.
.
Pagdiriwang ng bagong taon at
kapaskuhan – simula
pa sa ating mga ninuno ay nakasanayan ng gawin ang bagay na ito na sya namang
ginagawa natin hanggang sa ngayon, taon-taon ay ipinagdidiwang natin ang pasko
at bagong taon na sya namang isa sa pinaka espesyal na araw sa boong taon,
dito ay nagsasaya ang mga tao, tumatawa,kumakain at nagsasama. Maganda talaga
ang araw na ito kaya lang kadalasan ay marami ang nadidisgrasya dahil kasabay ng
pagdiriwang ay ang pagpapaputok ng mga paputok na kung saan ay marami ang
tinatamaan at nadadala sa ospital at maaring ikamatay pa.
Ito ay ilan lamang sa mga bagay na
kadalasang ginagawa ng mga tao sa pang
araw-araw na buhay upang mabuhay at malibang
habang nanahan sa ibabaw ng lupa. Isang kultura o kaugaliang nakasanayan
na at nananatiling ginagawa at gagawin mula noon hanggang sa susunod pang mga
henerasyon.
Inihanda ni: Menard B. Bermudez
Ipinasa Kay: G. Leni V. Fresnido
Marso 2019
No comments:
Post a Comment